ouch
Posted at 09:45 PM
May isang lalakeng darating sa buhay mo, bibigyan ka nya ng attention
na kailangan mo, ipaparamdam nya sayo na napaka importante mo sa
kanya, kahit bago ka palang nya nakilala eh ipaparamdam nya sayo na
ayaw ka nyang mawala, gusto ka nya makita ulit, mamimiss ka daw nya,
lahat ng paraan para mahulog ang loob mo sa kanya ay gagawin nya ng
walang ka-effort effort. Baket? Eh kasi un talaga ung gawain nya.
Mangbola at mangolekta ng babae. Potah!!! Kagaguhan nga naman oh!
Etoh namang si babae, walang gagawin kundi tanggapin lahat ng
ginagawa ng lalake. Kahit alam na alam nya na binobola lang sha...
Oo, aware sha sa lahat ng ginagawa ni lalake. Pero wala lang. Sa isip
isip nya, ang haba haba ng hair nya dahil merong nakaka appreciate sa
kanya sa wakas.
Shempre, dahil tuwang tuwa sya sa lalakeng un, ikekwento nya yon sa
lahat ng mga kaibigan, katrabaho, kapitbahay, kapatid, at sa kahit
kaninong trip nyang mapag sabihan. Tapos dahil nga lipad ang utak nya
sa kung saan, eh wala shang care sa tingin ng ibang tao. Magbubulag
bulagan sha. Kahit anong paalala sa kanya, kahit anong sabihin mo na
para sa ikabubuti nya, she'll always think twice. Papakinggan nya
lang pero hindi nya tatanggapin ang mga sinasabi mo. Dahil mas
stronger ang feelings nya keysa sa mga paalala mo.
Dito na ngayon kikilos si lalake, walang pakundangan sa pag-take
advantage sa babae... Shempre, mahal DAW diba? DAW!!! It's too good
to be true... pero paniwalang paniwala naman si gaga. Ibinigay
lahat... Gagawin kahit ano... Magtitiwala sha kahit alam nyang hindi
pa dapat sha magtiwala kasi nga hindi pa nya kilala ng lubusan ung
guy. Wala eh, ganun talaga. Umaasa kasi sha...
Pag nakuha na ni lalake ung gusto nya, shempre, ipapagmalaki nya sa
mga kaibigan nya. Mas lamang kasi sha dahil naka score nanaman sha.
Bida nanaman si gago. Patuloy lang nyang ima-manipulate si babae.
Kunyari faithful, may paselos selos pang nalalaman, konting sumbat,
para kunyari nag iisa lang si babae sa buhay nya. Hindi nya lang
alam... oo, hindi nya alam. Wala shang clue... zero.. nada...
nothing...
Magugulat nalang si babae isang araw, malalaman nyang totoo ung mga
bali-balita. Shempre sa una, ayaw nya paniwalaan dahil mas gusto
nyang marinig mismo sa lalake. Hinihintay pa nya ang magandang excuse
ni lalake para un ang paniniwalaan nya at ipapag tanggol pa nya diba?
Hanggang si babae mismo ang makabisto...
Ngayon, tulala si babae... kung sana nakinig nalang sha sa mga
kaibigan nya di hindi pa umabot sa ganito. Hindi sha sana nasaktan.
Hindi sha sana nagmamaktol. Naipag kabit-kabit na nya lahat ng
pangyayari at narealize nya na, putangina, bakit hindi nga naman nya
naagapan? Iiyak sa kaibigang hindi nag kulang ng paalala...
Masakit... nakaka loka... kahit saang angulo mo tignan... talo ang
babae
Paano na toh? Paano na ako babalik sa dati? Parang isang tissue na
pagkatapos gamitin ay itatapon nalang ng basta. Walang paliwanag.
Walang paalam. Iiwanan ka nalang na parang wala kayong pinagsamahan
kahit na isang sandali.
-taken from charm's post mgaadek@yahoogroups.com